a classmate’s draft

September 22, 2008

*My classmates and I had an activity in Soc. ARts lab wherein we will share something that greatly influence our lives. We were also asked to make a write-up. Then, one of my classmate shared about what she learned in her COCC days and term as the Corps Commander in their school. In the last part of her sharing, something struck my head and made me laugh a little. Because of that, I asked for her rough draft and permission if i can blog this to my fs..Fortunately, she said yes..

Taong 2007, sumali ako sa COCC (Cadet Officer Candidate Course). Marami ang nag-udyok sa akin upang sumali. Unang-una na roon ay ang aking sarili. Yung tipong kakausapin mo ay mapapaluha na. Oo, totoo po ang lahat ng inyong naririnig. Siguro sadyang mahiyain lang talaga ako. Akala mo kung sinong Maria Clarang mahinhin. Isa na rin sa mga naging dahilan ay ang panghuhusga ng ibang tao at sinasabi sa akin na “Magq-quit ka lang naman dyan. Hindi mo kaya yan!” Yung mga katagang iyon ang nagpatibay at nagpatatag sa akin at doon ay nagsimula na ang aming training, doon nagsimula ang lahat ng pagpapahirap, mga karanasang sinisigawan ka. Kung hindi ka masasanay ay marahil umalis ka na lang. Meron pa ngang pagkakataon na dahil wala pa akong pambili ng prescribed shoes ay bigla ba anaman akong sinabihan ng isang superior officer ko na “Gusto mo bigyan kita ng piso. Bumili ka ng sapatos mo!” Noon pa man ay pinapangarap ko na na maging corps commander. Alam kong mahirap iyon pero sabi nga nila wala naman maganda na hindi mo pinaghihirapan. Marami akong natutunan sa pagsali dito. Unang-una na ang disiplina, ang pagkontrol sa sarili. Isa rin sa mga pinakamasaya kong karanasan ay ang mga drill na ginagawa namin, rapelling, firing kung saan ay nakakuha ako ng tropeyo at medalya. Ang aking commandant ang nagturo sa akin kung paano ang tamang paggamit ng baril. Nagd-duty din kami sa gabi…paggamit ng compass at mapa kapag naligaw ka… Isa pa sa mga lesson na natutunan ko ay ang word na ‘KAIZEN’ na ang ibig sabihin ay constantly improving yourself.Dahil minsan ay may mga pagkakamali din akong nagagawa, tinatanggap ko iyon as lessons learned sa buhay ko para hindi ko na maulit. Marami rin itinuro roon na ngayon ay pinag-aaralan natin sa Soc. Arts natin. Ang galing nga eh.. Tinuruan niya rin kami ng emergency rescue transfer (ERT) at first aid kaya mas lalo akong ginanahang mag-aral ng nursing. Naaalala ko pa nung una kami nagkausap ng isang lalaking importante sa buhay ko ngayon… dadhil nung practical namin sa pag-CPR. Dapat girl yung partner ko eh sabi nung babae ay nakikiliti daw siya so sabi nung proctor ko palitan mo ng lalaki mong batchmate (buddy)..so siya (lalaking importante) yung ipinalit ko. So naganap na ang dapat maganap,,ang pagc-CPR.Tama na ang kilig moments..at ayon nung mga panahon na naging officers na kami. Ako ang kanilang naging CC (corps commander) at ginalingan ko naman ang aking trabaho upang may mapatunayan sa sarili at sa ibang tao. At isa pa pala kailangan mong maging ehemplo ay modelo para maging isa kang magaling na leader nila. Pangit kasi yung kilala ka nila dahil sa position mo at hindi dahil sa mga tinuturo mo kung baga ang tawag sayo ay ‘hanger’. Ibig sabihin hindi ka naman karapat dapat. Nakasabit lang na parang palamuti lang ang uniform. Mas masarap ang pakiramdam ng pinaghirapan mo talaga kaysa doon sa pinaghirapan ng iba kung saan dun ka nakinabang…

*Tagalog na tagalog noh..hehe! walang pakelamanan.. I second the statement. Yung naka-pink na font color. I really want to share this to my’co’s., the officers o8o9. 

2 Responses to “a classmate’s draft”

  1.   cumeilin said:

    Thank you ma’am this is a wonderful post… nakkinspire po basahin ^_^ good night po.. ^_^

  2.   jonalyndv said:

    wow amn.. bnasa m. thanks for reading.

Leave a Reply